Alam mo, hindi talaga ako marunong magpakilala.
livejournal
multiply
facebook
|
1109 - Madalas naiisip ko, sinasayang ko ang potensyal ng public sphere. Kadadaldal dito.
|
|
o game na.
|
|
|
|
Saturday, November 07, 2009
post 220
07:38 Naisip ko bigla iyong Before Sunrise at Before Sunset. Iyong Before Sunrise hindi ko napanood yun, Before Sunset lang. Dati pa, sa cable. Nung lumabas na iyong credits naisip ko nag-usap lang talaga sila buong araw, at yun na iyong pelikula. E nagandahan kasi ako dun. Pano ko nga ba naisip yun. A, kasi naalala ko noong nakapag-usap kami ni Joyce sa FA habang nasa pila. Ganun talaga katagal iyong pila pero okay lang. Tapos hindi ko narinig na tinawag iyong pangalan ko dahil nag-uusap kami. Hindi pala ganun katagal iyong pila. Kasi sa tingin ko hindi natapos iyong usapan namin. Kasi nung nagtanong ako, nag-text siya sa tatay niya. E hindi ko pa alam anong sagot ng tatay niya. Naalala ko na sinabi ko noon na, I can only know so much. At kontento na ako roon. Kaso ngayon sa tingin ko hindi pagiging kontento iyong appropriate na pagtingin doon, para kasing consolation lang ang dating nun. Kasi wala naman talaga akong magagawa. Ni hindi nga kailangang matanggap ko iyong idea, kasi regardless iyon pa rin naman talaga ang totoo. Aanhin ko ang pagiging kontento. (Binasa ko uli iyong paragraph sa taas, wala akong naintindihan. Naintindihan ko lang kasi ako ang nagsulat.) Sabi niya darating iyong punto na hindi mo na rin magagawang magtanong kasi hindi na rin macomprehend ng utak mo iyon. Totoo namang one can only know so much, kaso kapag tumigil ka nang magtanong hindi mo naman na malalaman kung may mas lalo ka pang maiintindihan. At kahit gaanong nakakaloka na e okay lang. Kasi hindi ba't ganun naman ang katotohanan, it will really blow your mind away. Edi mabubuang ka talaga maski hindi ka handa. Kaya hinahayaan ko lang ang sarili ko. Naiisip kong mabuti naman ang hahantungan nito. ------ For a split second, naisip kong burahin lahat ng nasulat ko. Para pala akong problemadong bata pakinggan, kaso hindi naman. Nag-iisip lang ako. Ganito pala kung sa umaga ako magsulat. Nagising ako kanina ng alas sais at. Bumangon ako. Pumikit ako ulit actually, kaso naisip ko nabobore na akong matulog. Maghahanap ako ng pagkain. Nabobore iyong bibig ko. Labels: weekend
1 comments
write commment
|