<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=17400628&amp;blogName=%26%26%26%26%26%26;&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=SILVER&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://trixo-cinco.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http://trixo-cinco.blogspot.com/&amp;vt=6397915456723684733" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>






/*entries*/
Friday, July 16, 2010
sasabihin ko lang
00:30


na napapagod na akong makisalamuha sa tao. in general.

yun lang muna.

Labels:



0 comments write commment    


Friday, May 21, 2010
feeling highschool na hindi masyado
05:45


Ano, hindi na naman kasi tayo natulog. Apat na di pa tapos na talata palang ang nagagawa ko para sa paper na due ngayon (gabi pa ako makakapagpasa). Pero ngayon lang talaga kasi gumagana ang utak ko.

Take off both your shoes and clothes I’ll follow
Undo corkscrew drink from the half of a broken bottle
Lately we’re running out of time, aren’t we?
Smoking often and calling out our guilty pleasures
Let’s keep talking anything to stop clock watching
Lately we’re running out of time.
aren’t we crazy for running all the time? M-M-M-M-Maybe
Let’s forget we’re running out of time

Tumutugtog ang Clockwatching, at naisip ko lang na na-miss ko iyong kantang ito. Para siyang tulang matagal mo nang huling nabasa, o linya sa libro na muntik mo nang malimutang meron nga palang ganun, na maganda, ganyan. Ang papanget ng description ko (at ng pagkasabi) pero ganun lang talaga iyong pakiramdam ko.

Tatlong taon na ata mula noong huli kong narinig 'to. Ngayon ko lang uli pinapakinggan iyong Mr. A-Z (album) nang buo.

I’m off like an aeroplane
I’m licking your postage stamp again
I’m using my right brain and I’m praying that we don’t crash
Who knew I’d come so fast?

Andito na naman akong nag-roromanticize ng kanta. Pano ba, nakakatawa kasi kung panong tumutugma 'to. Ngayon. Masayang isipin na tumugma na rin ito sa akin noon, at ngayon din, at sa magkaiba't magkaparehong dahilan. At magaan lang sa utak ko itong i-proseso, masarap pa nga - napapangiti ako ngayong nakikinig, na hindi na madalas mangyari.

No jumping conclusions
I don’t think there’s no solution
Let’s get backwards and forget our restless destination
Let’s live in the moment just this time could we
Let's take one moment of our time M-M-M-Mmaybe
Let’s forget we’re running out of time

Pagkatapos ng lahat, nagagawa ko pang mag-isip nang ganito. Madalas sa mga panahong ganito Frustrated ako, naisip ko lang ngayon na pwede ba akong magpakababaw muna (mas mababaw pa sa kababawan ko ngayon). At matuwa, at ngumiti, at tumawa lang muna dahil kawawa naman ang utak ko at laging sumasakit ang ulo ko (literal).

But how can I guess by the subject of the best predicate is left unsaid
When the matter is too delicate my loneliness is evident
And it’s you. You’re running through my mind
And it makes me crazy

la la la la la

Labels: ,



0 comments write commment    


Wednesday, April 14, 2010
steady lang.
23:28


Para akong batang nae-excite pagpindot ng "New Post." Bata pa rin naman ako, pero para kasi akong napagbigyan sa bagay na kating-kati na rin gawing uli.

Ang dami ko nang nasulat simula nang pansamantala akong tumigil magsulat dito (Ano rin naman ngayon, ako lang naman ata ang nandito). Sulat lang ako nang sulat nang sulat na parang natatakot mapakawalan kahit saglit iyong mga sasagi sa isip ko dahil alam kong malaki iyong posibilidad na hindi ko na maaalala uli.

Maaaring magbagong muli iyong pakiramdam ko sa ganito, sa pagsulat dito uli. Baka nga bukas ayoko na. Kasi pabago bago bago nalang ako lagi, napapansin ko, kahit maraming beses ay hindi ko talaga gusto pero napapansin ko lang na hindi ko talaga maiwasan. Na maging pabago bago nalang lagi. Ang dami kong sinabi.

Basta gusto ko lang makaalala. Sa saglit na panahong ito, at least ay naiisip kong gusto kong magsulat uli. At nagagawa ko iyong naiisip kong gawin. Yun nalang siguro muna.

Steady lang - sumagi bigla habang tumatakbo ng acad oval kanina. Ngayon nalang uli ako nakatakbo. Nakaka-high tumakbo kaya't naging optimistic ang payo ko sa sarili ko nun. Tatanggapin ko na rin, what the heck.

Labels: , ,



0 comments write commment    


Tuesday, February 02, 2010
tamad na tamad na tamad na tamad na tamad na.
01:13


Anim na oras na akong nakatitig sa screen, at dalawang talata palang ang nasusulat ko para sa ipapasa ko mamaya.

WALA NA TALAGA AKONG MAGAWA, BOW.

Gusto ko lang sabihin na titigil muna ako sa pagsusulat dito. Kung hindi pa naman kapansin-pansin yun.

Dahil maghahanap pa ako ng rason para patuloy pang magsulat. At magbasa. At magsalita. At makipag-usap. At gumuhit. At tumula. At kumanta. At mag-isip. At huminga.

O siya.

------
Sobrang sabaw ng sinulat ko, gusto kong burahin. Pero andyan na yan, at dyan na rin siyang mananatili. Para matawanan ko rin ang sarili ko someday.

Kung meron nun. Okay bye.

Labels:



0 comments write commment    


Sunday, January 10, 2010
bagong-bago
22:45


Magsusulat nalang muna ako, kasi naglolokohan lang kami ng report ko. Kala niya papansinin ko siya.

Akala ko rin, kaso hindi pala.

Naisip ko kasing tinatamad ako.

Tinatamad akong gumawa ng report.
Tinatamad akong gumawa ng studies para sa susunod na plate.
Tinatamad akong magpinta.
Tinatamad akong kumuha ng reading.
Tinatamad akong pumasok.
Tinatamad akong mag-aral.

Tinatamad akong umupo.
Tinatamad akong tumayo.
Tinatamad akong maligo.
Tinatamad akong magsuklay ng buhok.

Tinatamad akong kumain.
Tinatamad akong magbuka ng bibig.
Tinatamad akong magsalita.
Tinatamad akong makipag-usap.

Tinatamad na nga rin akong magsulat.

Ang naiisip ko ngayon.
Dahil hindi naman titigil ang panahon para sa'yo.
Pwede bang magdisappear muna ng ilang taon.
Balikan nalang kita kung gusto mo.

Hindi ko pa kasi napag-iisipang lubos kung ano nga ba talaga ang gusto ko.
Hanggang ngayon.

------
Human of the Year - Regina Spektor

Labels:



0 comments write commment    


Wednesday, December 23, 2009
23:44


December 21, Eastwood Palazzo.


0 comments write commment    


Tuesday, December 08, 2009
ulit.
04:49


Sinagutan ko ito noong May 07. At gagawin ko ulit, kung para lang mag-isip ako.

------
Last FRIEND you: (not including family)

1. Saw:
` sila chi, noong sabado.

2. Talked to on the phone:
` (tingin sa phone) si joseph tamayo. dec 1, hinahanap ko siya sa as dahil magkaklase kami sa math. tapos iniwan pala ako, ay magaling.

3. IMed:
` si ace, sa facebook.

4. Text messaged:
` ace.

5. Ate with:
` sila chi.

Today:
1. I'm: thinking, at masakit sa ulo.

2. Wearing: iyong shirt na inarbor ko kay ace. tatlong beses ko na siyang nabanggit.

3. What were you doing 10 hours ago: gumuguhit para sa lantern (parade).

4. Dislikes about tomorrow: bukas ay magpipinta na naman ng hala-halaman at ewan ko kung matatapos ko iyon.

Favorite:
1. Number(s): pareho pa rin.

2. Movie: wala akong maisip.

Currently:
1. Are you missing someone right now: sabi ko 2 years ago, "super." ngayon slight lang, haha.
2. Mood: hindi ko alam anong tawag dito.
3. thinking: lalalalala...

Q&A:

Q: First thing you did this morning?
` kailan ba nagsisimula ang morning? kung ngayon edi mag-blog.

Q: Favorite quote?
` hindi ko maisip. bihira naman akong magtalaga ng favourite.

Q: What's bothering you right now?
` ang buhay, bow.

Q: Where is the last place you went?
` crossings quezon ave.

Q: Do you have any siblings?
` marami.

Q: Do you smile often?
` "i guess lately, yeah." - geia, 2007. ang saya saya no.
sa tingin ko ngumingiti naman ako maski isang beses sa isang araw.

Q: Do you wish upon stars?
` hindi.

Q: Are you a friendly person?
` hindi rin. hindi naman ako masama, bobo lang ako pagdating sa pagkakaibigan.

Q: What color shirt are you wearing?
` blue violet na kupas

Q: What were you doing at 12 last night
` aba tulog na.

Q: When was the last time you cried?
` hindi ko na maalala. mukhang matagal na matagal na matagal na.

Q: Do you get angry easily?
` hindi.

Q: Take any vitamins?
` "dati, ngayon ewan tinamad na ata" - pareho pa rin.

Q: What are you about to do?
` mag-aaral dapat e. para lang.

Q: Did you ever check your phone waiting for someone to call?
` hindi.

Q: Rate life as of right now... 0-10?
` may ganito talaga. teka wala akong batayan.

Labels:



0 comments write commment    


Saturday, November 07, 2009
hello, sir
15:10


"Nabubuhay tayo sa tanong!" Sabi ni Dolo sa klase namin isang araw, dahil tatlo lang iyong hindi nakakuha ng "repeat" sa plate na pinagawa niya.

"Natatakot ba kayo magtanong dahil baka matawag kayong bobo? Di baleng matawag kang bobo, mababawi na yun kapag alam mo na."

Nag-blog kasi iyong kaklase ko tungkol sa kanya matagal na, ngayon ko lang nabasa.

Labels:



0 comments write commment    


post 220
07:38


Naisip ko bigla iyong Before Sunrise at Before Sunset. Iyong Before Sunrise hindi ko napanood yun, Before Sunset lang. Dati pa, sa cable. Nung lumabas na iyong credits naisip ko nag-usap lang talaga sila buong araw, at yun na iyong pelikula. E nagandahan kasi ako dun.

Pano ko nga ba naisip yun. A, kasi naalala ko noong nakapag-usap kami ni Joyce sa FA habang nasa pila. Ganun talaga katagal iyong pila pero okay lang. Tapos hindi ko narinig na tinawag iyong pangalan ko dahil nag-uusap kami.

Hindi pala ganun katagal iyong pila. Kasi sa tingin ko hindi natapos iyong usapan namin. Kasi nung nagtanong ako, nag-text siya sa tatay niya. E hindi ko pa alam anong sagot ng tatay niya.

Naalala ko na sinabi ko noon na, I can only know so much. At kontento na ako roon. Kaso ngayon sa tingin ko hindi pagiging kontento iyong appropriate na pagtingin doon, para kasing consolation lang ang dating nun. Kasi wala naman talaga akong magagawa. Ni hindi nga kailangang matanggap ko iyong idea, kasi regardless iyon pa rin naman talaga ang totoo. Aanhin ko ang pagiging kontento.

(Binasa ko uli iyong paragraph sa taas, wala akong naintindihan. Naintindihan ko lang kasi ako ang nagsulat.)

Sabi niya darating iyong punto na hindi mo na rin magagawang magtanong kasi hindi na rin macomprehend ng utak mo iyon. Totoo namang one can only know so much, kaso kapag tumigil ka nang magtanong hindi mo naman na malalaman kung may mas lalo ka pang maiintindihan.

At kahit gaanong nakakaloka na e okay lang. Kasi hindi ba't ganun naman ang katotohanan, it will really blow your mind away. Edi mabubuang ka talaga maski hindi ka handa. Kaya hinahayaan ko lang ang sarili ko. Naiisip kong mabuti naman ang hahantungan nito.

------
For a split second, naisip kong burahin lahat ng nasulat ko. Para pala akong problemadong bata pakinggan, kaso hindi naman. Nag-iisip lang ako.

Ganito pala kung sa umaga ako magsulat. Nagising ako kanina ng alas sais at. Bumangon ako. Pumikit ako ulit actually, kaso naisip ko nabobore na akong matulog.

Maghahanap ako ng pagkain. Nabobore iyong bibig ko.

Labels:



1 comments write commment    


Friday, October 30, 2009
[ ]
22:51


Gagawa na dapat ako ng trabaho ko sa Sulyap (hahaha yesss) pero teka lang. Kasi ilalagay ko ito.

Parang wala na akong masyadong sinusulat. Naglalagay lang ako ng mga nasulat ko na dati. Gusto ko rin balikan yung mga yun. Kasi nakikilala ko pa rin na ako iyong nagsulat nun. Na ako talaga. Gaya nito.

07August08 5:50pm
Kakatapos lang ng perio at naisip ko lang. Matagal ko nang naisip pero. Naisip ko ulit.

Naisip ko noong nasa SONA kami kahit ang dami ko pang hahabuling gawain at naisip ko noong nasa Ultra kami kahit UPCAT na sa Linggo.

Na napakaliit lang ng mga bagay na naiisip ko. Gaya ng UPCAT at ng perio at ng formal theme na isang linggo nang due at ng plate ko sa p&d at ng project sa pinoy at ng CAT at ng COCC at ng Leadership Camp at ng partial grade kong 57 sa physics at pag-uwi ko na naman sa ibang lugar mamayang gabi at ng 300++ pages pa ng Middlesex ang dapat kong mabasa.

Na wala lang naman 'yun dahil ang dali nga ng perio kanina. At hindi yun dahil matalino ako. At ng kahit mahirap ang UPCAT di naman pinoproblema yun. At ng kahit mukha akong delinkwenteng mag-aaral, hindi naman.

Ganun lang.
Ganun nga lang, gaya ng UPCAT na nalusutan ko na at ng formal theme na hindi na mahalaga kung nakapagpasa ba ako o hindi kasi pinasa rin naman ako. At ng CAT na gusto ko nang mabasura na at ng Middlesex na tapos ko nang mabasa at pinahiram ko na kay Lesley-Anne.

At wala. Kasi kahit na lipas na iyong mga yun e hindi pa rin sila beyond me. Kasi hindi naman talaga mangyayari yun, dahil kahit naman magbago pa ako e ako pa rin yun at ako pa rin ito. At wala namang "yun" at "ito." Kahit hindi naman kasalanan ang makalimot, sana lang e lagi kong naaalala yun.

Teka sabaw na. Hindi dapat dito pinag-uusapan yung ganito kasi sarili ko lang kausap ko at nakakabuang na gawain 'to. Haha.

------
You have tamed me
Now you must take me
How am I supposed to be
I don't have my thorns now
But I feel them sprouting
They'll grow right through if I don't watch them
They'll grow right through even if I watch them
And a sunset couldn't save me now

Regina Spektor - Baobabs

Labels:



0 comments write commment